Wednesday, August 5, 2009

Poem: "BAKIT?"

Bakit mo pa kailangang mag-aral?
Kung hindi ka rin naman pala papasa.

Bakit mo pa kailangang sumunod?
Kung wala din naman parusa.

Bakit mo pa kailangang kumain?
Kung mataba ka na.

Bakit mo pa kailangang maligo?
Kung mabango ka na.

Bakit mo pa kailngang magsinungaling?
Kung wala namang maniniwala.

Bakit mo pa kailangang matulog?
Kung wala ka namang ginagawa.

Bakit mo pa kailangang magtrabaho?
Kung nauubos din naman ang pera.

Bakit mo pa kailangang magalit?
Kung magpapatawad ka.

Bakit mo pa kailangang magtiwala?
Kung masisira lang pala.

Bakit mo pa kailangang mangako?
Kung wala namang aasa.

Bakit mo pa kailangang lumayo?
Kung may kasama ka na.

Bakit mo pa kailangang magmahal?
Kung masasaktan ka rin lang pala.

No comments:

Post a Comment